MAS lalala ang tensyon sa Mindanao hanggat hindi nabubuwag ang mga armadong grupong ginagastusan ng mga politiko sa gawing katimugan ng bansa.
Panawagan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa mga pamahalaan, agarang aksyon para wakasan ang karahasang dulot ng mga nag-uumpugang politko.
Una nang umapela ang apat na gobernador mula sa mga lalawigang sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa tinatawag na ‘full decommissioning’ ng MILF bago pa man sumapit ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre ng kasalukuyang taon.
Tugon naman ni MILG chairman Ahod Balawag Murad Ebrahim, na tumatayong interim chief minister ng BARMM, ala silang nakikitang problem sa kanilang panig sa usapin ng pagbuwag ng mga armadong grupo.
Gayunpaman, hinikayat ni Ebrahim ang mga nanawagang gobernador na buwagin din nila ang kani-kanilang private army sa mga pinamunuan lalawigan.