
Ni Estong Reyes
KIKITA umano ang pamahalaan ng karagdagang ₱12 billion hanggang ₱14 billion kada taon sa kapag naipatupad ang bagong sistema ng pagbubuwis sa mining industry, ayon kay Senador Sonny Angara.
Inihayag ito ni Angara bilang tugon sa katanungan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel sa patakaran ng pamahalaan sa mining sektor nang simulant ang deliberasyon ng panukalang badyet sa susunod na taon.
“The state should get its fair share on the exploitation of our natural resources,” Pimentel said. “Pipigain ba natin ang mining sector to generate more revenues for the government or are we going to be more lenient,? tanong ni Angara.
“There are estimates of what income they can generate from a new mining fiscal regime, around ₱12 billion to ₱14 billion a year,” Angara said. “It (tax) is based on the amount of minerals, it’s indexed to the weight. I suppose they’ll be increasing the rates as they go along,”dagdag ng senador.
Para naman kay Sen. Risa Hontiveros, dapat sang-ayunan ang bagong patakaran ng environmental groups at mining companies saka binanggit na may nakabinbin na kaso sa Supreme Court hinggil sa isyu.
Kamakailan, inaprubahan ng Mababang Kapulungan nitong Setyembre sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magpapataw ng 4% royalty rate sa gross output ng minerals o mineral products kinuha o ginawa n malalakaing operasyon ng minahan sa bansa.
Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na gustong naging simple ng Marcos administration ang mining tax regime upang maging kumpetitibo ang Piliipnas sa ibang bansa na pawang priority measures ng administrasyon.