SA gitna walang puknat na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit P500 milyong pondo para sa fuel subsidy ng mga magsasaka ngayong buwan ng Hulyo.
Sa isang kalatas, tiniyak ng DA na makakatanggap ng P3,000 ang bawat magsasakang benepisyaryo ng programang ayuda.
Sa pagtataya ng kagawaran, mahigit 160,000 magsasaka ang gumagamit ng mga makinaryang kumokonsumo ng krudo sa pagsasaka, livestock at poultry production.
Pagtitiyak ng DA, agad na agad na ipamimigay ang fuel subsidy sa sandaling lumabas ang sertipikasyon mula sa Department of Energy (DOE).
Partikular na tinukoy ng ahensya ang Mean of Platts Singapore (MOPS) na anila’y pamantayan kung saan lumalabas lagpas na sa $80 per barrel ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
