KINUMPIRMA ni Senate President Juan Miguel Zubiri na raratipikahan na ng Kongreso ang panukalang P5.768-trillion Philippine budget para sa 2024 bukas, Disyembre 11.
Sinabi ni Zubiri na magkikita ang bicameral panel sa Makati City upang isapinal ang national budget na inaprubahan ng Senado sa ikatlo at final reading noong Nobyembre 28.
“We’re ratifying the budget tomorrow… Confirmed,” sabi ni Zubiri.
Sa bicameral conference, pagkakasunduan ng mga mambabatas mula sa Senado at Kamara ang iba pang probisyon sa kani-kanilang bersiyon. Sakaling magkasundo, ang pinal na bersiyon ay raratipikan at ipadadala sa Malacanang para rebisahin at pagpayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang P5.768-trillion na budget para sa 2024 ay opisyal na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara noong Agosto kung saan nakapaloob ang 9.5 porsiyentong pagtaas mula sa 2023 appropriations.