NI ESTONG REYES
ANG Senate committee on constitutional amendments ay para sa abogado.
Ito marahil ang napagtanto ni Senador Robin Padilla matapos ibigay ng mga kasamahang mambabatas kay Senador Kiko Pangilinan ang liderato ng komiteng hinawakan sa nakalipas na tatlong taon.
Aprubado rin sa plenaryo ang paghirang kay Senador Alan Peter Cayetano bilang vice chaiman ng naturang komite — bukod pa sa Senate committee on energy.
Inaprubahan ang mosyon na italaga sina Pangilinan at Cayetano sa mosyon ni Senador JV Ejercito na walang tumutol.
Dati nang hawak ni Pangilinan ang lupon na pawang abogado sa propesyon na magiging responsible sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pag-aamyenda sa Saligang Batas at pagrerebisa ng umiiral na panuntunan.
“I accept this responsibility with humility and a firm resolve to safeguard the democratic ideals enshrined in our Constitution,” ayon kay Pangilinan.
“The Constitution belongs to the people, and any move to change it must be anchored on their aspirations and welfare. It must also undergo a thorough, principled, and participatory process,” aniya.
Ayon naman kay Cayetano, malaki ang kanyang maitutulong sa bagong tungkulin kaya’t magiging bahagi ito ng talakayan sa panukalang baguhin ang 1987 Constitutions at ilang batas na may kinalaman sa suplay at patakaran ng bansa sa enerhiya.
Kasama rin si Cayetano bilang miyembro ng Committee on Sustainable Development Goals, Innovation and Futures Thinking, at ng Committee on Ways and Means.
Sa mga komiteng ito, makikilahok ang mambabatas sa paghubog ng mga panukalang batas para sa pangmatagalang kaunlaran, inobasyon, at kita ng pamahalaan, kasabay ng kanyang trabaho sa legal reforms at energy policy.
“The task of this 20th Congress is not only for change or to do something but it is really the radical change that is needed,” aniya.
