
Ni Ernie Reyes
IKINASA ni Senador Imee Marcos ang isang resolusyon upang paiimbestigahan ang “request” ng US sa Pilipinas na “ampunin” o bigyan ng pansamantalang tirahan ang refugees ng Afghanistan na supporter ng Washington.
Sa pahayag, sinabi ni Marcos na nakakuha ang kanyang tanggapan ng isang letter na pinadadalo ng Presidential Management Staff (PMS) ang ilang ahensiya hinggil sa kahilingan ng US sa gobyerno ng Pilipinas na payagan makapasok at magkaroon ng temporary housing ang ilang dayuhan mula sa Afghanistan.
Nakatakda sa Senate Resolution 651, binanggit ni Marcos ang memorandum ng PMS sa ilang ahensiya ng pamahalaan na inaatasan silang dumalo sa “Technical Coordination Meeting” sa panukalang temporary housing sa Pilipinas ng Special Immigrant Visa applicants mula sa Afghanistan.
Walang nilalaman na ibang mahahalagang detalye ang liham kundi pangkalahatang topic lamang kabilang ang oras at lugar ng meeting.
Kaya binanggit niya ang ilang impormasyon na nakalap sa kanyang sources na bago ipalabas ng memo, nagpadala ng request ang US sa Philippine government na payagan makapasok at magkaroon ng pansamantalang tirahan ang ilang Afghans.
“These foreign nationals, who are allegedly US supporters, will be transported directly into the country from Afghanistan,” ayon kay Marcos sa kanyang resolution.
Ayon ka Marcos, sa ginanap na meeting noong June 7, 2023, nagulat ang ilang kinatawan ng ilang ahensiya ng pamahalaan na nagtanong at ilang opisyal na dumalo dahil hindi sila binigyan ng sapat na impormasyon sa bagay na kanilang pagpupulungan at hindi sila pinayagan na magbigay ng komento bago simulan ang meeting.
“Although the meeting had already been conducted and a memorandum of agreement is allegedly being finalized, Marcos said the PMS has yet to disclose to the public the US request and the course of action that the Executive Department will take,” ayon kay Marcos.
Kinuwestiyon din niya kung bakit sa ibang bansa pinatitira ng US at hindi sa kanilang bansa ang naturang indibiduwal na pawang supporters ng US at posibleng dating empleado ng US government o US companies.
Aniya, dito lumilitaw na may pag-aalinlangan sa karakter at background sa mga dayuhan na ito.
“There is a substantial risk that individuals who pose a threat to national security and public safety may be admitted into and housed in the country,” ani Marcos.
Aniya, suportado ng nakaraang administrasyon ang patakaran na tumanggan ng refugees mulang Afghanistan, ngunit inilalantad ito sa publiko.