
HABANG abala lahat sa lumalalang hidwaan sa pagitan ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, pinalibutan ng hindi bababa sa 83 militia at fishing vessels ng China ang Pag-asa Island sa lalawigan ng Palawan.
“Marine Traffic confirms at least 83 China militia and fishing ships within Philippines Thitu (Pag-Asa) Island’s territorial sea right now,” ayon kay US Air Force official at ex-defense attaché Ray Powell.
Araw ng Martes nang maglabas ng ulat si Powell hinggil sa mabilis na pagdagsa ng mga sasakyang dagat ng China sa West Philippine Sea – partikular sa Pag-asa Island na limang milya lang ang layo sa mainland ng Palawan.
“26 November – By far the largest China vessel swarm I’ve ever seen off Philippine Thitu (Pag-Asa) Island. Despite clouds, I count at least 73-75 ships sitting 2.5-5.5 nautical miles from Philippines-held is-and—well within its 12 nautical miles territorial sea,” ani Powell.
Gayunpaman, hindi na ikinagulat ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na ang pagdagsa ng mga barko sa palibot ng Pag-asa Island dahil hindi naman aniya kalayuan ang naturang isla sa Subi Reef na sinakop na ng Beijing.