MALIIT na problema lamang ang pag-atras ng mga guro sa poll duty ngayong Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at hindi dahil takot ang mga ito sa karahasan, ayon kay Commission on Elections chair George Garcia.
Nasa kabuuang 2,500 ang umatras sa poll duty sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), 29 sa Abra at 10 sa Bicol Region, ayon pa kay Garcia. “[They back out] for whatever reason. They were not afraid, but maybe they just would not want to serve or they would want to take a vacation,” sabi ni Garcia.
“Gayunman, mayroon ng kaming contingency measure na ginagawa. May mga substitute na kaming kinuha para sa mga umatras na guro,” ayon pa kay Garcia.