DALAWANG polling precincts sa Palawan ang ipinatigil ang botohan matapos pasukin ng mga supporters ang presinto at pinagpupunit ang balota.
Sinabi sa report na dalawang polling precincts — ang Precincts No. 0121B at 0122A sa Barangay Princesa, Puerto Princesa – ang apektado sa karahasan.
Hindi pa nagagamit ang mga balota na sinira ng mga tagasuporta.
Nasa dalawang presinto na ang mga tauhan ng City Police Office at Department of Education para tugunan ang naturang isyu.
Nabatid na nagsimula ang komosyon nang kumalat ang balitang hindi rehistrado ang mga botante sa lugar.
Ayon naman sa city officer ng Commission on Elections (Comelec), hindi ito ang panahon para ilaban ang listahan ng mga botante.
Iniulat ng Comelec officer na dapat ay kinwestyon ang listahan bago pa ito inaprubahan ng poll body.