
Ni Ernie Reyes
ISANG makabayang pagkilos o patriotic act ang maisasagawa ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., kung ibabasura nito ang kuwestionableng Maharlika Investment Fund na maaring idulog sa Supreme Court dahil labag ito sa Saligang Batas.
Inihayag ito ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III matapos lagdaan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang enrolled bill ng MIF bago dalhin sa Palasyo upang mapirmahan ng Pangulo.
“You know it would be a good patriotic act of the President if he vetoes this,” ayon kay Pimentel sa interview ng Radio DZBB.
“It will improve his political capital; his goodwill will improve, because it means he is objective in his decision,” giit niya.
Ayon kay Pimentel na nabigong maibigay sa Pangulo ang bersiyon na gusto nito, na maaaring i-veto nito at ibalik sa Kongreso upang malinis ang final version ng panukala.
“In his point of view, he wants this measure. But he can veto it because Congress did not give him what he wanted,” paliwanag niya.
“And for us who are against it, we can now find the time to involve the public in the discussion on Maharlika,” giit pa ni Pimentel.
“Because one of our complaints or our grounds for rejecting it is because we believe this bill was rushed,” dagdag ng lider ng minorya.
“By vetoing it, he (President) will be giving us more time (to study the measure). And since there would be more time, let’s involve the people here. Let’s bring it to Luzon, Visayas and Mindanao for the people to weigh in. This would be a plus point for him, if he vetoes it,” aniya.
Naunang iginigiit nina Pimentel at Senador Risa Hontiveros na pawang hindi maayos, hindi napapanahon at kailangan ng mas maraming oras upang talakayin ang Maharlika bill ng buong mamamayan.
Iginiit ni Pimentel na binago ang final version ng panukala dahil may ilang probisyon dito an g inalis nang hindi inaaprubahan ng plenaryo.
partikular na tinutukoy ni Pimentel ang magkasalungat ng Section 50 at 51 ng panukala na nagtatakda ng prescription perio para sa krimen ng 10 taon at 20 taon.
Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr. inayos ang naturang probisyon sa printed copy ng panukala. “The10-year prescription period was retained and the two sections were merged.”