Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
HINIMOK ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na siyasating mabuti ang kaduda-dudang presensya ng mga Chinese nationals partikular sa mga lugar na malapit sa RP-US Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) military facilities at maging sa mga pangunahing pantalan at paliparan ng bansa.
Partikular na nanawagan si Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, sa Bureau of Immigration (BI), Department of Foreign Affairs (DFA), at maging sa sa military at police intelligence community na tutukan ang pagdagsa ng mga Chinese nationals sa mga nasabing lugar.
“The DFA and the BI are the lead agencies that should be held responsible and accountable for the continuing and suspicious arrival and presence of said nationals in various parts of the country,” diin pa ng Mindanaoan lawmaker.
“Dapat lang siguro na alamin natin at imbestigahan ang BI kung ilang Chinese nationals na ba talaga ang nasa loob ng ating bansa, ano ang nature ng hawak nilang mga travel documents, at kung saan saang parte ng ating bansa sila naka-deploy,” dagdag pa ni Barbers.
Ayon sa ranking House official, dapat ding busisiin mabuti ng DFA officials sa China ang pag-apruba sa visa ng mga Chinese national na pumupunta sa Pilipinas.
“Dapat din siguro alamin natin sa kanila kung ano ang status ng mga Chinese nationals na binigyan nila ng visa, ang bilang ng mga pumunta dito at bumalik sa China, at ilan pa ang numero ng mga naiwan pa dito,” hirit pa ni Barbers.
Naniniwala si Barbers na batid ng pamahalaan partikular ng BI at DFA ang pagkakaroon ng tinaguriang “Chinese mafia,” na siyang nasa likod ng paggawa ng fake documents, kabilang na ang fake birth certificates na mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), fake passports na galing umano sa DFA, drivers’ license na iniisyu naman ng Land Transportation Office (LTO), fake gun license ng PNP Firearms and Explosives Office at iba pa.
“The question is: What have these government agencies done to counter the tampering of their respective offices’ documents? They are all eerily quiet on this issue. Are some of the officials of said agencies in cahoots or enabled by the Chinese mafia?”
Base sa nakalap na impormasyon ni Barbers, ang mga Chinese na nagpapanggap na Filipino citizens, na kahit isang salitang Pilipino ay hindi mabigkas ng maayos, ay namimili rin ng malaking lupa malapit sa EDCA sites, major air at sea ports, at naglalagay ng maraming warehouse at iba pang business establishments.
“One can see those warehouses sprouting like mushrooms in Central Luzon, particularly in Pampanga and Bulacan, Bataan, Zambales, Nueva Ecija, Tarlac and nearby towns in the region. Now they are slowly but surely creeping in Cagayan near where the two EDCA sites are located,” pagbubunyag ng kongresista
“Ang deployment at pagbibili ng lupa, pagtatayo ng negosyo ng mga Chinese nationals na malapit sa EDCA sites ay dapat bigyan tuon ng mga concerned agencies sa ating bansa. Hindi ba tayo dapat mag-usisa at alamin bakit sila nandyan at kung ano talaga ang ginagawa nila dyan,” pahabol ng mambabatas.
