DALAWANG buwan bago sumapit ang takdang petsa, sumipa na ang paghahanda ng Kamara para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22 sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Kasama ang mga opisyal ng Office of the President at iba pang ahensya, pinangunahan ni House Secretary general Reginald Velasco ang pulong ng inter-agency coordination council bilang paghahanda sa taunang ulat ng Pangulo sa bansa.
Target ani Velasco ng inter-agency meeting tiyakin ang mas maayos at mas magandang SONA ni Marcos. Kabilang sa inilalatag ang paghahanda ang aspeto ng seguridad, traffic rerouting at media coverage.
Samantala, nangako ang Senado makikipagtulungan sa Kamara at sa Palasyo para sa tagumpay na pagdaraos ng SONA ng Pangulo.
