PAGTATALIK sa pagitan ng dalawang lalaki ang nakikitang dahilan sa likod ng pagsipa sa bilang ng mga nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV) infection para sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), pumalo sa 3,410 ang naitalang bagong kaso ng HIV sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula Enero hanggang Marso – bukod pa sa 82 binawian ng buhay bunsod ng nasabing karamdaman.
Kapansin-pansin naman na 12 sa 1,224 na sinuri noong buwan ng Marso ang namatay matapos magpositibo sa HIV infection.
Sa kabuuang bilang ng HIV infection, 81% ang pinaniniwalaang bunsod ng male-to-male sexual contact o ang pagtatalik ng dalawang lalaki.
