PARA sa hanay ng mga tagausig, mas makakabuti kay Vice President Sara Duterte na personal na humarap sa pagdinig para magbigay linaw sa P612.5-million confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na dati niyang pinamunuan.

Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, tapos na ang testimonya ng mga taong malapit sa pangalawang pangulo – at lahat sila, si VP Sara umano ang itinuturo.

“I think it leaves us with no one to explain what happened to the confidential funds but the Vice President alone,” wika ni Adiong na tumatayong tagapagsalita ng  House impeachment team.

“Base po sa mga naging testigo, yung mga inutusan niya na mag-violate, na hindi sumunod sa joint circular, lahat sila sinasabi hindi nila alam, hindi nila alam paano ginasta,” sambit pa niya.

“So that leaves only one person to explain to the public: Saan napunta? Bakit ’yun ang utos niya? Saan napunta ’yung confidential funds na ito?” 

Ayon kay Along Adiong, batid niyang karapatan ng bise presidente ang hindi pagharap sa paglilitis subalit hindi naman maikakaila na ang akusado ang sentro ng mga argumento at makakabuti kung ang bise-presidente na mismo ang sasagot sa mga alegasyon.

Pagbibigay-diin ng House prosecution spokesperson, iisa ang sinasabi nina OVP Assistant Secretary Lemuel Ortonio at former Department of Education (DepEd) chief of Michael Wesley Poa, na pangunahing miyembro ng defense team sa impeachment trial — na wala silang personal na kinalaman sa paggamit ng confidential funds.

“Wala daw silang alam, eh. So that leaves the Vice President the only, I think, authority, or the only person or official, accountable official, to explain to the public kung saan napunta ang pera ng taumbayan.”

Punto pa ng Lanao del Sur lawmaker, kung paninindigan ni Duterte na inosente siya at wala siyang itinatago, mas lalong marapat na direktang magpaliwanag ang pangalawang pangulo.

“The more reason for her to clear her name by coming out and explaining what happened to the confidential funds — saan napunta, bakit ganito.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *