
Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
KASABAY ng pagdiriwang ng Eid Al-Adha, hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Filipino Muslim na isaalang-alang ang mga kinakaharap na hamon ng bansa at isulong ang pagkakamit ng inaasam na kapayapaan at masaganang kinabukasan para sa sa lahat.
Sa kanyang mensahe, binigyang halaga ni Romualdez ang panahon ng panalangin, debosyon at pagkakaisa sa komunidad sa ngalan ng pagsasakripisyo at pananampalataya ng mga kapatid na Muslim sa buong bansa.
“Eid Al-Adha is a time for personal devotion and an opportunity to unite as a community. I sincerely hope this festive season brings abundant blessings of peace and prosperity to your families and communities. May your homes be filled with joy and may your prayers for harmony and well-being be answered,” pahayag ng lider ng 300-plus strong House of Representatives.
“This occasion reminds us of the values of compassion, selflessness and generosity, of being one in prayer and sacrifice to show unwavering faith. It is a time to strengthen the bonds of kinship and friendship, and to reach out to those in need. Let us embrace these values in our daily lives and work towards building a more inclusive and caring society,” dugtong niya.
Ayon kay Romualdez, ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang kultura at pananampalataya, at ang lakas ng sambayanan ay nagmumula sa pagkakaisa at paggalang sa kanya-kanya mga paniniwala.
“Ang Eid Al-Adha ay isang paalala ng ating mayamang mga tradisyon na ating ipinagmamalaki at lubos na ipinagdiriwang,” dugtong ng lider kongresista.
“As we honor the significance of this day, let us also be mindful of the ongoing challenges we face as a nation. Together, let us strive for a future where peace and prosperity are not just aspirations, but realities for all Filipinos,” aniya pa.
Kumbinsido rin ang Leyte solon na ang pagdiriwang ay magbibigay ng kasaganahan, hindi lamang sa espirituwal na pangangailangan kundi maging ang pagkakaroon mabuting kalusugan, kasiyahan at katagumpayan.
“I join you in your prayers for a peaceful and prosperous future for all Filipinos. Eid Mubarak, everyone! May the blessings of Eid Al-Adha fill your hearts with peace and joy, and may your faith be strengthened as we continue to build a better and more united nation!”