November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

PAGLAYA SA PIITAN, AMOY NA NI DE LIMA 

MATAPOS ang pormal na pagbawi ng testimonya sa korte ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Rafael Ragas, kumpiyansa si dating senador Leila de Lima sa nalalapit na paglaya mula sa piitan nagsilbing kanyang tahanan sa mahigit anim na taon.

Ayon kay Atty. Boni Tacordan na tumatayong abogado ni De Lima, nakatakda na rin silang maghain ng supplemental motion for bail kaugnay ng kasong may kinalaman sa droga na dinidinig sa Muntinlupa City Regional Trial Court.

Buwan ng Nobyembre pa ng nakaraang taon inihayag ni Ragas ang di umano’y panggigipit sa kanya ng dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre na pumirma sa salaysay na nagdadawit kay De Lima sa kalakalan ng droga. Kabilang rin di umano sa namuwersa sa kanya tumestigo laban sa dating senador sina former National Bureau of Investigation director Dante Gierran at Public Attorney’s Office chief Persida Acosta

“I am really sorry. Natakot talaga ako,” ani Ragos.

Sakaling pagbigyan ng husgado ang kanilang nakaambang petisyon, itutulak rin aniya nila ang pagbabasura ng kaso.

“If we look at the denial of Sen. Leila de Lima’s application for bail for this case, the former judge said there is evidence against her and the evidence that was referred to was the testimony of Deputy Director Ragos,” sambit ng abogado.

“Now that this has been recanted, and if the court would believe this, the belief of the defense team is that there is no more evidence against her,” dagdag pa ni Ragos.