
PAGSAPIT ng ika-8 ng Agosto, sisimulan nang maningil ng North Luzon Expressway Corporation sa motoristang dadaan sa Section 1 ng NLEX-SLEX Connector Road Project.
Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), ginawara na ng Notice to Start Collection (NSC) ang NLEX Corporation para mangolekta ng Fractional Opening Base Toll Rates para sa limang kilometrong haba ng Section 1 ng NLEX-SLEX Connector Road Project na nasa pagitan ng C3-Road/5th Avenue sa Caloocan City at España Boulevard sa Maynila.
Alinsunod sa inaprubahang toll rates ng TRB, ang Class 1 vehicles ay magbayad ng ₱86; ₱215 naman para sa mga Class 2 vehicles at ₱302 para sa mga Class 3 vehicles.
Anang TRB, ang bagong toll road ang kauna-unahang magpapatupad ng 24/7 barrier-free Electronic Toll Collection System.
Kaugnay nito, hinihikayat naman ng TRB ang lahat ng expressway users na gumagamit ng RFID, hindi lamang sa NLEX-SLEX Connector Road Project, kundi maging sa iba pang expressways na kanilang daraanan.