
MATAPOS magviral ang isang video kung saan hagip ang pananampal ng isang arestadong Pinoy POGO worker, naglabas ng direktiba ang Palasyo — sibak sa pwesto ang tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Sa isang kalatas, kinumpirma ni PAOCC Executive Director Usec. Gilbert Cruz ang pagsibal kay Director Winston Casio.
Ayon kay Cruz, isasailalim din sa imbestigasyon ang sinibak na opisyal bunsod ng di umano’y pangma-maltrato sa Pinoy POGO worker na kabilang sa mga inaresto sa operasyon ng ahensya laban sa illegal POGO sa bayan ng Bagak sa lalawigan ng Bataan noong Oktubre 31.
Binigyan lang ng 24 oras si Casio na magsumite ng isang pormal na paliwanag hinggil sa nasabing insidente.
Wala pang pahayag si Casio.