MAY magagawa pa ang pamahalaan para palawakin fuel subsidy program na naglalayong tulungan ang mga sektor na lubhang apektado na krisis na dulot ng patuloy na hidwaan sa Middle East.
Sa isang kalatas, iminungkahi ni Solid North Partylist Rep. Ching Bernos na gamitin ang nasa bilyong kita ng Philippine Amusement and Gaming Corp.(Pagcor) bilang dagdag pondong pantugon sa pasanin ng mga mamamayan.
Ayon kay Bernos, noong nakaraang taon, pumalo sa P66 bilyon ang nai-remit ng naturang government gaming industry regulator para sa tinatawag na “nation-building.” Sa naturang halaga, P12.77 bilyon ang ginamit para sa iba’t-ibang ang socio-civic programs, ng iba’t ibang ahensya kabilang yaong mga nasa ilalim ng Office of the President.
Batay sa deklarasyon ng State of National Emergency, malinaw rin aniya ang direktiba ni ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng gobyerno — sabayang pagtulong sa layuning maibsan ang mabigat na epekto ng malaking pagsipa sa pump price ng mga produktong petrolyo.
Kaya naman iginiit ni Bernos, malaking bentahe ang gaming revenues ng Pagcor para maayudahan ang mga tinatawag na vulnerable sectors na direktang tinamaan ng nasabing krisis.
“Pagcor uses part of its revenues to fund socio-civic programs for the people. As we face another crisis due to oil instability, I hope the government channels these funds towards programs that would soften the blow of the oil crisis on the most vulnerable sectors of society,” wika ng congresswoman na ranking member ng House committee on games and amusements
Partikular na iminungkahi ni Bernos na gamitin ang Pagcor funds sa pagbibigay ng tulong sa hanay ng katutubo, ordinaryong magsasaka at mangingisda, maralitang pamilya, kababaihan, kabataan, estudyante at iba pa.
“May potensyal na makatulong sa mas maraming Pilipino ang mga pondong ito kung gagamitin sa pag siguro na may access sa pagkain, emergency income, fuel subsidy, at iba pa.”
