PUMALO na sa tumataginting na P2.75 bilyon ang pinsalang iniwan ng bagyong Egay at Falcon, ayon sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa NDRRMC, lumobo ang datos matapos madagdagan pa ng halos P1 bilyon ang pinsala batay sa pinakahuling pagtatala ng ahensya, mula nang tuluyang lumisan ang bagyong nagdulot ng malawakang pagbahang dala ng mabigat na buhos ng ulan.
Nasa 29 patay na rin ang kumpirmadong pumanaw, 165 sugatan at 11 iba pa ang patuloy na hinahanap. Nasa 285,202 pamilya (katumbas na 3.03 milyong katao) ang apektado.
Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Umabot naman sa 117,033 magsasaka at mangingisda ang apektado habang nasa 143,429 namang hektarya ng mga pananim ang nawasak.
Sa pagtataya ng NDRRMC, pumalo naman sa P3.6 bilyon ang iniwang pinsala sa imprastraktura sa Region 1, Region 2, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan), Region V, Region VI, Region VIII, Region XI, Region XII, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at CAR.
Karagdagang Balita
DEDMA: WARRANT OF ARREST KASADO VS. 4 OVP OFFICIALS
PAHABOL SA NTF-ELCAC: P7.5M ALOKASYON KADA BARANGAY
PASTOR APOLLO QUIBOLOY, DINALA SA OSPITAL – PNP