NANANATILI ang banta ng pagputok ng Bulkang Mayon sa Bicol matapos magtala ng 248 volcanic earthquakes, 112 rockfall events at limang pyroclastic density current events sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Batas sa pinakahuling abiso ng Phivolcs, nagtala rin ang bulkan ng 124 volcanic tremor na tumatagal ng isa hanggang 18 minuto ang haba.
Gayunpaman, bumagal anila ang pagdaloy ng lava mula sa bulkan na may habang 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 3.4 kilometro sa Bonga Gully at 600 metro sa Basud Gully, habang umabot ng apat ma kilometro ang pagguho ng lava mula sa bunganga ng bulkan.
Ayon pa sa Phivolcs, nasa 1,602 tonelada ng asupre naman anila ang ibinuga ng Mayon.
Nanatili sa Alert Level 3 ang nasabing bulkan.