![](https://saksipinas.com/wp-content/uploads/2023/04/PNP.jpg)
WALANG nakikitang dahilan ang Philippine National Police (PNP) para makaramdam ng agam-agam ang publiko sa proteksyon ibinibigay ng pulisya sa kabila pa ng pagreretiro ng humigit kumulang 2,000 unipormado.
Ayon kay Col. Jean Fajardo na tumatayong tagapagsalita ng pambansang pulisya, hindi nakakaapekto sa operasyon ng pambansang pulisya ang early retirement ng nasa 1,793 PNP personnel mula Enero hanggang unang bahagi ng Hulyo.
Katunayan aniya, wala pa sa isang porsyento ng kabuuang pwersa ng PNP ang nabawas sa hanay ng pulisya – bagay na aniya’y tinutugunan at inaasahang mapupunan sa mga susunod na buwan.
Sa naturang bilang, malaking bahagi ang mga pinili na lamang mag-early retirement pagkatapos abutin ang 20-taon sa serbisyo para hindi na mahagip ng panukalang pagbabago sa military and uniformed personnel (MUP) pension system.
Pag-amin ng PNP, pangunahing dahilan sa likod ng early requirement ng kanilang mga kabaro ang agam-agam sa bagong MUP pension scheme.