Ni Estong Reyes
GUSTO ng ilang senador na bigyan ng kapangyarihan ang Philippine National Police (PNP) chief na magtalaga ang chiefs of police (COP) sa bawat lungsod at munisipalidad, na pawang suhestyon ni Senador Grace Poe.
Inihain ni Poe ang manipestasyon sa ginanap na plenary debates ng panukalang Senate Bill 2449 o ang panukalang Act Providing for Organizational Reforms in the PNP na inihain ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Sa kanyang interpelasyon, iminungkahi ni Poe kay Dela Rosa, isponsor ng SB No. 2449 na ikonsidera ang pagbibigay ng kapangyarihan sa PNP chief na pumili at magtalaga upang maging malaya ang selection process laban sa impluwensya ng local chief executives.
Ayon kay Dela Rosa, tanging rekomendasyon lamang ang puwedeng gawin ng PNP chief sa gobernador o mayor ng pangalan para sa posisyon ng chief of police.
“My only apprehension here is the fact that it concentrates the power too much to the PNP chief,” ayon kay Poe.
“On the other hand, I don’t believe that there should really be an influence in an area controlled by local government for them to have the prerogative to influence law enforcement because I feel that provides checks and balances,” giit naman ni Poe.
Pumayag naman si Dela Rosa sa panukala ni Poe dahil pinakamahusay ang PNP chief sa pagtatalaga ng COP sa ilang lungsod at munisipalidad.
Nagsilbi ni Dela Rosa bilang kauna-unahang PNP chief sa ilalim ng dating president Rodrigo Duterte.
“I know this would be difficult but we have to take the bitter pill,” aniya.
Samantala, iminungkahi naman ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagpapalakas ng PNP Internal Affairs Services (IAS) na pawang pinakamahalaga sa pagrereporma ng organisasyon sa lahat ng institution ng gobyerno tulad ng PNP.
“Strengthening the IAS will also protect the policemen,” giit ni Cayetano.
“With a very strong IAS unscrupulous police officers will be arrested and prosecuted and, at the same time, it will protect the good ones,” aniya.