SA ika-anim na pagkakataon sa nakalipas ng 45 araw, muling magpapataw ng bonggang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Pagtataya ng mga oil players, maglalaro sa P1.35 hanggang P1.65 ang ipapataw na dagdag sa presyo kada litro ng gasolina. Inaasahan naman tataas mula P1.10 hanggang P1.40 kada litro ang diesel na karaniwang gamit ng mga pampublikong transportasyon.
Pinakamalaki ang inaasahang umento sa kerosene na papatawan ng P2.40 kada litro.
Katwiran ng mga oil players sa likod ng sunod-sunod na dagdag-presyo, pagbabawas ng produksyon ng langis ng mga oil-exporting countries kabilang ang Saudi Arabia at Russia.
Wala pang pahayag ang mga transport at consumer groups hinggil sa ika-anim na sunod na oil price hike.