MATAPOS ang pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., napagkasunduan ang pagpapalawig sa bilang ng mga panukalang isusulong ng Kongreso.
Mula sa orihinal na 48, umabot na sa 52 ang bilang ng tinatawag na ngayon bilang Common Legislative Agenda (CLA).
Ayon kay House Speaker Faustino Dy III, partikular na nadagdag sa mga pangunahing batas na tututukan kapwa ng Kamara at Senado ang pag-aalis sa ipinapataw na travel tax, pagtugon sa mga kaso ng online sexual abuse at child sexual abuse o exploitation materials (OSAEC/CSAEM), anti-fake news and digital disinformation bill, at ang panibagong pagpapaliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections.
Sa isang pahayag, tiniyak naman ni Dy ang suporta ng Kamara sa House Bill 2697 na akda ni House Majority Leader Sandro Marcos. Sa ilalim ng naturang panukala, target ng batang Marcos ang pagtatatag ng comprehensive legal framework para labanan ang fake news at digital disinformation, kaakibat ang isang garantiya — hindi susupilin ang freedom of expression.
“At this juncture, we believe it is also necessary to raise the importance of passing a law against fake news and digital disinformation. Ang fake news o digital disinformation ay matinding banta sa ating demokrasya,” giit pa ng Isabela province lawmaker.
“Ginagamit ito ng iba upang pagmulan ng pagkasira ng tiwala ng publiko, impluwensyahan ang pagboto sa halalan, at panghimasukan ang seguridad ng ating bansa,” dugtong ni Dy.
“Nakakalungkot at nakakabahala pa, nagdudulot ito ng masamang epekto sa kabataan. Fake news damages children’s mental health, affects their social growth, twists their beliefs, and targets their inherent weaknesses,” paglalahad din ng lider ng Kamara.
Kaya naman masidhing hiniling ni Speaker Dy na maisama ang Anti-Disinformation Bill sa naturang hanay ng priority measures dahil aniya, “kailangan na kailangan nating magsulong ng mga konkretong hakbang upang ang bawat Pilipino ay maproteksyunan laban sa organisadong panloloko.”
Samantala, kapwa ikinalugod nina Speaker Dy at House Majority Leader Sandro Marcos, ang pagsang-ayon ng LEDAC na isama sa CLA ang House Bill 7443 na nagbabasura sa travel tax na kinokolekta sa Filipino travelers.
“Before ending, Mr. President, we also urge the inclusion of the Abolition of the Travel Tax among the LEDAC priority measures as it is a practical, equitable, and progressive reform that encourages tourism and supports our regional integration efforts,” hirit ni Dy sa ginanap na pulong.
“It is, in our view, a crucial step toward a more competitive and open Philippines,” aniya pa.
Punto naman ng Presidential son at ranking House official, ang kanyang panukalang batas ay hindi lamang basta pagbabago sa isang polisiya, bagkus ay maituturing bilang isang “pro-people measure” para sa paglikha ng maraming trabaho, turismo at masayang pagbiyahe ng mga Pilipino.
“The data and public sentiment are clear. The travel tax now works against our economic goals.”
Sa ilalim ng HB 7443, ang ipinapataw na travel tax, base na rin sa Presidential Decree No. 1183 at Tourism Act of 2009, ay naging mabigat o dagdag-gastusin laman ng mga biyaherong Pilipino, kung saan aabot sa P2,700 ang sinisingil sa first-class at P1,620 naman sa economy-class passengers.
“The cost weighs heavily on families, diverting money that could otherwise go to basic household needs or be spent within the local economy. Removing it sends a clear signal that the government is serious about mobility, recovery, and competitiveness,” hirit pa ng House majority leader.
Samantala, naniniwala si House Majority Leader Marcos na ang mga nabanggit na nadagdag sa CLA list ay tutugon sa mga usaping nakakaapekto sa iba’t-iba’t komunidad, mula sa paglaban sa online abuse at disinformation, kasama na ang pagpapatatag sa Bangsamoro.
“With the expanded LEDAC agenda now in place, the House under the leadership of Speaker Dy stands ready to act swiftly on the newly added measures once they move through the legislative process.”
“We are prepared to do our part to ensure these priority bills move without delay,” pahabol ng batang Marcos. (ROMER R. BUTUYAN)
