KUMBINSIDO si Senador Panfilo Lacson na ang gobyerno mismo ang nasa likod ng “disinformation” na may kaugnayan sa manhunt operation at pabuya laban sa ulo ng puganteng si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Paglilinaw ni Lacson na nagsilbing Director-General ng Philippine National Police (PNP) bago pa man sumabak sa politika, hindi na bago ang pagpapakalat ng disinformation na naglalayong bulabugin si Dela Rosa para lumabas sa lungga. Kung meron aniyang operasyon ang PNP sa isang high-profile target, malaking bentahe mapanatili ang “secrecy discipline” sa mga sensitibong kasong “under investigation” live” maliban na lang kung kailangan ang disinformation para sa ikadarakip ng target. “When pursuing a high-profile target or handling a sensitive live case, secrecy discipline is key – unless disinformation is necessary to flush the quarry into the open,” wika ni Lacson. Patuloy naman ang manhunt operation laban kay Dela Rosa matapos ang palugit na ibinigay ni PNP chief Jose Nartatez, kasunod ng aloki na P50-milyong pabuya sa impormasyon para sa ikadarakip ng puganteng senador na nahaharap sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court para sa crimes against humanity na may kaugnayan sa madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon. Ani Lacson, hindi dapat agad isapubliko ng mga awtoridad ang mga “solid” na impormasyong makakatulong sa paglutas ng isang kaso hangga’t hindi pa natatapos ang operasyon. Gayunpaman, nilinaw ng senador na dapat ilabas ang sensitibong impormasyon kung bahagi ng isang estratehiya para mapilitan lumabas sa lungga ang target. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mga Pinoy abang sa ‘guilty verdict’ kay Sara – survey Sara Duterte lagot sa BIR, tax evasion namumuro