Ni Ernie Reyes
HINIMOK ni Senador Grace Poe ang lahat ng drayber ng public utility vehicles na gamitin ang opurtunidad na mahasa ang kanilang kasanayan sa pagmamaneho sa lansangan sa pamamagitan ng paggamit ng “Tsuper Iskolar Program” na pwedeng makuha online.
Sa pahayag, inihalimbawa ni Poe ang pagmementeni ng sasakya na kailangan palaging sinusuri upang mapahusay ang competency at kamalayan ng drayber sa road safety.
“The training will brace our drivers for lifetime of safer driving,” ayon kay Poe, chairperson ng Senate committee on public services.
Nitong 2023 budget, isinulong ni Poe ang pagpopondo ng P100 milyon para sa Tsuper Iskolar Program para sa PUV drivers at hiwalay na P100 million para sa “ExTsuperneur Program” para sa motorist na kung matuto ng kasanayan o bagong pagkakabuhayan.
Ipinatutupad ang drivers’ course ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Land Transportation Office atTechnical Education Skills and Development Authority.
Nakapailalim naman entrepreneurship program sa DOTr sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment.
Libre ang lahat ng pagsasanay.
Sinabi ni Poe na madali nang makakuha ng scholarship program dahil puwede nang mag-aplay sa online at maaaring magpunta ang aplikante sa regional offices ng ahensiya upang makakuha ng training.
Aniya, ngayong nasa kalagitnan ng taon, dapat paigtiningin ng ahensiya ang pagkilos na himukin ang drivers na pumaloob sa progama upang mapahusay at mapaunlad ang kanilang bagong kasanayan.
“There will always be a demand for PUV drivers to transport the public and goods, and for entrepreneurs who will push our industries forward, thus, the need for effective training and guidance,” ayon kay Poe.