MULING nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa mga residente sa iba’t-ibang panig bansa laban sa umano’y nakamamatay na init na dala ng panahon.
Batay sa rekord ng state weather bureau, pinaka matindi ang init na naranasan ng mga residente mula sa lungsod ng Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan kung saan nakapagtala ng 43°C heat index
Nakaranas naman ng 42°C heat index ang mga mamamayan sa Bacnotan, La Union; Tuguegarao City, Cagayan; Iba, Zambales; Muñoz, Nueva Ecija; at Subic Bay, Olongapo City.
Gayundin sa Sangley Point, Cavite City; Coro, Palawan; San Jose, Occidental Mindoro; Iloilo City; at Dumangas, Iloilo.
Base sa pamantayan ng ahensya, pasok sa kategorya ng “dangerous level” ang heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C.
