
Ni Ernie Reyes
Pumalpak ang performance ni Pangulong Ferinand “BongBong” Marcos Jr., bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) kaya bumagsak ang sektor ng agrikultura, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.
Sa pahayag, hinikayat ni Pimentel ang chief executive na magtalaga na kaagad ng permanenteng kahilim ng agrikultura upang masagip ang patuloy na pagbagsak ng sektor na lubhang mahalaga sa ekonomiya.
“The performance of President Ferdinand ‘’Bonging’’ Marcos Jr. in the agriculture sector has slipped, ayon kay Pimentel III nitong Sabado, June 24.
‘’Sana talagang maka-appoint na ng secretary na full-time para matulungan sya (The President should appoint a full-time secretary who could help him),’’ giit pa ni Pimentel na tumutukoy sa kasabay na puwesto ng chief executive bilang Department of Agriculture (DA) secretary.
Matapos ihayag ang bagong hepe ng Department of National Defense (DND) at Department of Health (DOH) nitong unang linggo ng buwan, inihayag ni President Marcos na panatiihin nito ang DA post.
‘’Ang problema ng tao ay about agri talaga, pagkain, livelihood. Karamihan agri-based pa kaya dapat focus tayo dyan,” paliwanag ni Pimentel.
Pinakamatinding halimbawa, ayon sa chief fiscalizer ng Senado na nagsisilibing sticking point ang kontrobersiyal na importasyon ng mahigit 400,000 metric tons (MTs) ng asukal na walang aprubal ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
‘’Pero kailangan na niya ng full-time dyan na medyo bata-bata at pamilyar din sa issue ng agri although mahirap din kasi sobrang lawak (There is a need for a full-time DA secretary because the sphere of the DA is too wide),’’ aniya.
Umayaw naman si Pimentel na magbigay ng rekomendasyon kung sino ang itatagala sa DA.
Inihayaga din ni Pimentel na hindi rin siya dadalo sa State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa July 24 ‘’hanggat di nare-realize ang reforms.’’
’Bigyan ko na lang siya ng free hand dyan at ako ay makikinig at magre-react na lang ,’’ aniya.
Aniya, nakatakda siyang maghatid ng sariling ‘’Contra-SONA’’ sa Senado kung malayo sa katotohanan ang ilalatag sa speech ni Marcos.
“The SONA should be close to the ground, whether or not the people benefit from any increase in the Gross National Product (GDP), giit niya.
‘’I hope yung SONA go beyond percentages, ecometrics na di naman nararamdaman sa ground ’’ aniya.