NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
Sa dami ng naungkat na impormasyon batay sa mga sinumpaang testimonyang nakalap sa mga ginanap ng pagdinig sa KAmara, kumbinsido ang pamunuan ng quad comm na may sapat na ebidensyang magdidiin sa dalawang senador na kilalang malapit kay former President Rodrigo Duterte.
Partikular na tinukoy nina Reps. Dan Fernandez ng Laguna, Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte at Bienvenido Abante ng Maynila ang usapin sa pabuyang katapat sa kada drug suspect na pinaslang bilang bahagi ng madugong giyera kontra droga sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
“The evidence so far unearthed in the Quad Comm belies Senators Bato and Bong Go’s denials of EJK involvement and existence of the reward system that was public knowledge during the previous administration, particularly in the Philippine National Police (PNP),” ayon kay Fernandez na tumatayong chairman ng House Committee on Public Order and Safety.
Sinabi pa ni Fernandez na dalawang testigo— sina ret. Police colonel at dating general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Royina Garma at Lt. Col. Jovie Espenido na may umiiral pagbibigay ng pabuya sa mga anila’y designated hitman.
“Not only did it exist; it was managed by higher-ups, meaning by Malacañang (Duterte administration),” ayon kay Fernandez.
Binanggit naman ni Barbers, overall chairperson ng Quad Comm at chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang testimonya ni Espenido na milyon-milyon – posibleng umabot sa bilyon ang pabuyang kinalap mula sa jueteng at iba pang ilegal na sugal, intelligence funds, operasyon ng small-town lottery (STL) ng PCSO, at mga Philippine offshore gambling operators (POGO).
“Our impression is that the intelligence funds came from the Office of the President and the PNP. When these funds are audited, we will find out who is telling the truth or lying: Sen. Bato and Sen. Bong Go, or Garma and Espenido,” saad ni Barbers.
Ayon pa kay Barbers mas pinaniniwalaan niya ang dalawang testigo kaysa sa pagtanggi nina Dela Rosa at Go
Sa kaso ng pondo mula sa POGO, jueteng, at mga operator ng STL, binigyang-diin ni Abante, co-chair at pinuno ng House Committee on Human Rights, na dumaloy ang mga pondo mula sa itaas.
Binanggit ni Abante na ang mga testimonya ay nagpapatunay na noong 2016 ay gumawa ng plano para maipatupad ang Davao model, o ang disenyo ng kampanya laban sa iligal na droga ni Duterte sa Davao City noong ito ang alkalde ng lungsod.
“The Davao City EJK template and reward system was discussed during the meeting. A few weeks later, the assassination of drug suspects in police operations and by riding-in-tandem hired guns started. It is not difficult to connect the dots.”
