BUKOD sa nakaambang krisis sa supply ng tubig, nahaharap ang mga mamamayang Pilipino sa karimlan dulot ng manipis na imbak ng enerhiya sa pagpasok ng unang dalawang linggo ng Mayo.
“Ang binabantayan natin ay iyong first week of May at saka first week of June. First week of May, nagki-carry over sa second week, at saka first week ng June, nagki-carry over sa second week of June, iyon iyong medyo numinipis ang reserba,” pag-amin ni Undersecretary Felix William Fuentebella ng Department of Energy (DOE).
“Kaya lang, mayroong dapat sobrang four percent sa regulating reserve requirement, iyon po iyong nagbabalanse ng frequency. And then, ina-add natin doon iyong biggest plant capacity, para sa Luzon na 668 megawatts,” dagdag pa niya.
“So tinitingnan natin ang possibility na magkaroon ng kulang na reserba sa regulating reserve at saka dito sa contingency reserve sa first week and second week ng May, first week and second week ng June.”
Panawagan ng DOE sa publiko, magtipid sa konsumo ng kuryente – “Do not be wasteful in the use of energy”
Pagtitiyak ng ahensya, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan tugunan ang lumalaking pangangailangan sa kuryente ng nasa 109 milyong Pilipino.
Karagdagang Balita
1M BOTANTE BISTADO SA MULTIPLE REGISTRATION
PAOCC SPOX NANAMPAL, SINIBAK NG PALASYO
DEMOLITION JOB KONTRA KAMARA, INALMAHAN