HINDI man pinagbigyan ang hirit ng dagdag-sahod ng mga obrero, may libreng sakay naman na ‘regalo’ ang pamunuan sa likod ng mga kumpanyang nangangasiwa sa LRT 2 and MRT 3 – libreng sakay sa Mayo 1 para sa mga manggagawang nais lumahok sa kilos protesta.
Paglilinaw ng Department of Transportation (DOTr), mga manggagawa edad 18 pataas lamang ang abswelto sa pamasahe sa mga byahe ng tren ng LRT 2 at MRT 3.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Jorjette Aquino, walang sisingilin pamasahe sa mga pasaherong obrero mula alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga, at mula alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.
Gayunpaman, kailangan aniya magprisinta ng mga company ID na patunay na manggagawa ang isang pasahero – “All you need to present is your Company ID or Government-issued ID. We welcome workers aged 18 years old and above to enjoy this special treat.”
“We hope that this small gesture of ours will bring joy and ease to your day. We thank you for your continued efforts and contributions to our nation. Let us celebrate Labor Day with pride and gratitude for all workers in the Philippines,” dagdag pa niya.