APAT katao ang patuloy na hinahanap ng mga bantay-dagat matapos lumubog ang sinasakyang yate sa karagatan ng Tubbataha sa lalawigan ng Palawan, Linggo ng umaga.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), 28 iba pang sakay ng MY Dream Keeper ang nasagip ng rescue team, habang patuloy ang search and rescue operation sa mga di pa rin nakikitang indibidwal.
Sa datos na nakalap ng PCG, naglayag mula sa San Remigio sa lalawigan ng Cebu ang MY Dream Keeper dakong alas 4:00 ng hapon araw ng Huwebes at nakarating sa Tubbataha bandang alas 10:00 ng gabi araw ng Sabado
“At around 06:49 AM, the PCG Command Center received information from the Coast Guard District Palawan regarding the sinking,” saad sa pahayag ng PCH.
Patuloy ang imbestigasyon ng PCG sa sanhi ng paglubog ng yate sa sikat na pasyalan sa naturang lalawigan.