MATAPOS ilarga ang P29 kada kilong bigas sa Bulacan at National Capital Region (NCR), programang Rice-For-All naman ang target ng Department of Agriculture sa iba pang sektor ng lipunan.
Sa isang pulong-balitaan sinabi ni Assistant Secretary Genevieve Guevarra, arangkada ang naturang programa pagsapit ng araw ng Linggo (Hulyo 14).
Ayon kay Guevarra, bagamat bahagyang mas mataas ang presyo kumpara sa P29 kada kilong supply ng bigas na sadyang inilaan sa mga pamilyang pasok sa kategorya ng maralita, hindi hamak na mura pa rin kumpara sa commercial rice.
Ang takdang presyo, maglalaro sa pagitan ng P45 hanggang P48 kada kilo.
