NAKAAMBA ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado bunsod ng patuloy ng paghina ng piso kontra dolyar. Sa pinakahuling datos ng Philippine Bankers Association (PBA), lumagapak sa P61.995 ang palitan kontra dolyar ilang oras matapos magsimula ang banking hours. Sa pagtatapos ng araw, nagsara ang palitan sa P61.815 kada dolyar – mas mahina kumpara sa P61.785 na closing rate noong Martes, Agosto 18. Ayon sa mga ekonomista, kabilang sa mga lubos na apektado ang mga minimum wage earners na pilit pinagkakasya ang kakarampot na kita — gayundin ang hanay ng mga negosyanteng pasok sa industriya ng importation. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Amyenda sa batas kontra piit-pasyente, hirit ni Villar Salaysay ni Guteza kontra Romualdez, binawi na