BALIK sa Palasyo si dating Albay Rep. Joey Salceda matapos italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang tagapamuno ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).
Sa isang press briefing, kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro ang paghirang kay Salceda bilang Kalihim ng PLLO.
Hindi na bago sa Malacañang si Salceda na nagsilbing Presidential Chief of Staff sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo noong 2007.
Bago pa man pag paghirang ni Marcos, nagsilbing gobernador at kongresista ng Albay si Salceda.
Saklaw ng bagong trabaho ni Salceda ang pakikipag-ugnayan sa Kongreso upang isulong ang mga prayoridad na panukalang batas at mga polisiya ng kasalukuyang administrasyon.
