5-IN-1. A toddler receives the pentavalent vaccine, which will protect her against diptheria, tetanus, pertussis, influenza type B and hepatitis B, at a health center in Barangay Pinyahan, Quezon City on Friday (March 22, 2024). The local government has declared an outbreak of pertussis (whooping cough) after 23 cases and four deaths, mostly infants, from January to March 20. (PNA photo by Joan Bondoc)
PUMALO na sa mahigit 1,000 ang kumpirmadong kaso ng pertussis sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mula Enero ng kasalukuyang taon.
Pag-amin ng Department of Health (DOH), patuloy ang pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng pertussis sa limang rehiyon habang mabilis naman anila ang pagnipis ng suplay ng bakuna laban sa naturang karamdaman.
Sa datos ng kagawaran, malaking porsyento ng mga tinamaan ng pertussis at mga batang edad lima pababa, habang nasa 4% naman ang 20-anyos pataas.
Ayon sa DOH, kapansin-pansin ang mabilis na paglobo ng pertussis sa nakalipas na anim na linggo sa Eastern Visayas, Cagayan Valley, CARAGA, Central Luzon, at Cordillera Autonomous Region.
Sa mahigit 1,000 tinamaan ng pertussis, 54 na ang binawian ng buhay.
Sa kabila ng limitadong supply ng bakuna kontra pertussis, tiniyak naman ni Health Secretary Teodoro Herbosa na tuloy ang outbreak response immunization gamit ang nalalabing supply ng pentavalent vaccines na pangontra laban sa diphtheria, tetanus, hepatitis B, haemophilus influenzae type b – bukod pa sa pertussis.
“We anticipate a shortage in government pentavalent vaccine supply by May, and this is the gap we are now addressing,” ani Herbosa.
Iniutos din ng Kalihim ang paggamit ng Diphtheria-Tetanus-Pertussis (Tdap) vaccines habang naghihintay sa inorder na 3 million doses ng pentavalent vaccines.
