
INARESTO ng awtoridad ang umano’y cult leader na si Jey Rence Quilario, kilala rin bilang ‘Senior Aguila,” gayundin ang iba pang opisyal ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).
Nahaharap ang mga ito sa patong-patong na kaso kasama na ang pang-aabuso sa mga bata.
Sa ginanap na Senate inquiry bago arestuhin, sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na nag-isyu ang Surigao del Norte regional trial court ng arrest warrant laban kay Quilario at 13 iba pa.
Nahaharap ang mga ito sa 21 paglabas kabilang ang nine counts ng qualified trafficking, eight counts ng child abuse at pagpapakasal sa mga kabataan sa kanilang kulto.
Sa testimonya sa Senate hearing, nabatid na ang mga bata sa SBSI ay pinupwersang ikasal sa matanda at iknukulong sa kwarto para magtalik. Kinumpirma ito ng isang 15-anyos na bata sa ginanap na hearing ngayong Martes.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na gagawin sa Maynila ang paglilitis upang hindi maapektuhan ang proseso nito.