
Ni ESTONG REYES
PARA kay Senate President Francis Escudero, malabong makalusot sa Senado ang panukalang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) bill dahil sa mas maraming senador ang pabor na isulong ang anti-discrimination legislative measure.
“The anti-discrimination bill, I believe, has a better chance of passing this year,” ani Escudero.
Gayunpaman, nilinaw ng lider ng Kamara na pwede naman ikonsidera ng mayorya ang SOGIE bill kung papayag ang mga may-akda na baguhin ang ilang bahagi ng kontrobersyal na panukalang batas.
“Unless the proponents of the SOGIE bill accede to some amendments, it will continue to face rough sailing in the Senate,” dugtong ng Senate President sa mensaheng ipinarating sa pamamagitan ng text messaging system.
Taliwas naman sa sinabi ni Escudero ang tinuran ni Sen. Risa Hontiveros. Aniya, 19 na senador na ang pumirma sa committee report – patunay aniya na mas marami ang sang-ayon sa kanyang panukalang batas na nagsusulong ng karapatan kesehodang ano pa ang kasarian.
“Nineteen of my colleagues signed the committee report on the SOGIE Equality Bill. That should speak to its acceptability across the aisle,” ani Hontiveros.
Hirit ni Hontiveros kay Majority Floor Leader Sen. Francis Tolentino, kilalanin ang karapatan nang walang kinikilingan kasarian.
“I have asked the Majority Leader to look into the committee report which has remained pending in the Committee on Rules and he has promised to do so. Sana ang bagong liderato ng Senado ay tumindig para sa ating LGBTQIA+ community ngayong Pride Month at pati na rin sa araw-araw nilang pamumuhay bilang mga tao,” giit pa ni Hontiveros.