LUBHANG nakakabahala ang patuloy na pagsipa ng kaso ng mga kabataang nalalagay sa peligro sa mga nakalipas na taon, bunsod ng pang-aabuso, eksploytasyon at diskriminasyon.
Bilang tugon, isang panukalang batas ang inihain sa Kamara ng mag-asawang kongresista sa hangaring tuldukan ang banta sa hanay ng mga tinaguriang pag-asa ng bayan — ang mga kabataan.
Sa ilalim ng House Bill 7468 na inihain nina Solid North partylist Rep. Ching Bernos at Abra lone district Rep. JB Bernos, partikular na isinusulong ang pagtataguyod ng Child Advocacy Centers (CAC) sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa.
Ayon kay mag-asawang Bernos, napapanahon nang wakasan ang sadlak na kalagayan ng mga bata sa paraan ng pagtataguyod ng isang natatanging tanggapan kung saan maaaring magsagawa ng imbestigasyon, medical examination, psychosocial intervention, legal coordination, at case management sa pamamagitan na rin ng unified at trauma-informed process.
“By bringing together social workers, law enforcement, medical professionals, prosecutors, and child protection specialists, the proposed system minimizes re-victimization while strengthening accountability and case resolution,” saad sa explanatory note ng panukala.
Base sa itinatakda ng HB 7468, ang CACs ay magsisilbing “primary venue for the reporting, assessment, interview, medical examination, psychosocial intervention, referral, and case coordination involving cases of child abuse, neglect, and exploitation.”
“The CACs shall handle, among others, cases of physical abuse; sexual abuse and exploitation; psychological or emotional abuse; neglect and abandonment; online sexual abuse and exploitation of children; and other acts punishable under child protection laws.”
Ayon kay Rep. Ching Bernos, ang CACs ay tugon sa magkakahiwalay na paghawak sa kaso ng pang-aabuso at kapabayaan sa mga bata.
“We have various laws to protect children, however, the means to apply these are fragmented. Child victims are often subjected to a repeat of their trauma because they have to recount their experiences multiple times to different authorities: barangay officials, police, social workers, medical personnel, and prosecutors, among others,” anang Solid North PL lady solon.
Para naman kay Rep. JB Bernos, pinuna niya ang tila pagkakaroon ng hindi maayos na koordinasyon sa hanay ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at ang kawalan ng kaukulang child-friendly facilities na nagpapalala pa problema.
“Maaaring magsilbing hadlang ang mga isyu na ito sa pag-report ng mga kaso. Hindi dapat maging dagdag na pabigat ang pagsumbong sa awtoridad para makamit ng mga batang biktima ng pang-aabuso ang tulong at hustisya,” diin pa ng Abra province lawmaker.
Samantala, mungkahi rin ng Bernos couple na pagbubuo ng isang multidisciplinary team na may kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Police-Women and Children Protection Desks, Department of Health (DOH) o government hospitals, Department of Justice (DOJ) o Office of the Prosecutor, local government social welfare office, at iba pang kaukulang government agencies.
