
NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
HINDI bumenta sa takilya ang drama sa pulitika ni Vice President Sara Duterte, ayon sa isang lider-kongresista sa Kamara.
Para kay House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto, mas lumutang pa ang hindi pagiging makasarili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos hikayatin ang mga kaalyado sa Kamara na isantabi ang nilulutong impeachment complaint laban kay VP Sara, sa kabila ng walang humpay na patutsada at banta sa pamilya.
Naniniwala rin si Adiong na namulat ang masa sa pagkakaiba ng dalawang lider ng bansa.
“The President is laser focused in addressing the most pressing issues of the nation,” wika ni Adiong na tumatayong chairman ng House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation.
“There is a striking contrast between the character of the President who is looking out for the welfare of the Filipino people and putting the interest of the country first,” dugtong ng Lanao del Sur solon.
“And the VP, who seems to evade accountability by threatening the security of the highest officials of government,” giit ng lady legislator kaugnay ng pag-amin ni Duterte na mayroon na siyang kinausap para patayin sina Marcos, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Ayon pa sa lider ng binansagang “Young Guns” ng Kamara, si Duterte mismo ang gumawa ng kanyang mga problema, kabilang ang pagtanggi lisanin ang Kamara matapos dalawin ang nakadetineng chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez, na pinalaya ng House Blue Ribbon panel Sabado ng hapon.
Gayundin ang patuloy na pag balewala ni VP Sara sa mga imbitasyon ng House committee on good government and public accountability at ipaliwanag ang paggastos sa kabuuang P612.5 milyong confidential funds noong 2022 at 2023 na nasa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Nagtataka si Adiong kung bakit hindi dumadalo ang bise-presidente sa mga pagdinig ng Kamara, subalit nagawa naman dalawin – at samahan hanggang kinabukasan – si Lopez nang makulong sa Batasan Complex.
Matatandaan na matapos magdesisyon ang mga miyembro ng House blue ribbon committee na ilipat si Lopez sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City, lumabas sa isang press conference ang dating Davao City mayor at sinabing mayroon na siyang kinausap para patayin ang First Couple at si Romualdez.
“So, let’s make this very simple: When the President is killed, who will take over?” tanong ni Adiong, at binanggit na hindi na kailangan ng siyentipiko upang maunawaan ang mga reklamo ni Duterte na paulit-ulit na ibinabato sa nakaraang linggo.
“A threat is a threat no matter what, even if it’s perceived to be conditional. The intent is there, the plan to kill the President was made in public. And she uttered ‘no joke’ not once, but twice. What can be clearer than that? Filipinos are not stupid.”