PARA sa militanteng kinatawan ng sektor ng kababaihan sa Kamara, hindi sapat na balasahin lang ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng viral video ng mahalay na pagsasayaw ng isang babae sa ginanap na command conference kamakailan.
Bilang pambungad, isang congressional inquiry ang iginiit ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas hinggil sa tinawag niyang ‘live show’ na naganap matapos ang NBI command conference sa isang hotel sa lungsod ng Maynila noong Hunyo 30.
“Hindi sapat na mag-sorry lang si NBI chief Medardo De Lemos sa nangyaring sexy dance number matapos ang NBI command conference. Dapat may managot. We need an independent and thorough investigation on the matter,” ayon kay Brosas.
“What’s further infuriating about the NBI scandal is that the bureau is the one legally mandated to handle sex scandal cases victimizing women, as well as cases of online sexual exploitation of children,” dagdag pa ng militanteng kongresista.
Nanawagan rin si Brosas sa House Committee on Women and Gender Equality na busisiin ang naturang insidente.
“Hindi dapat palampasin ang pangyayaring ito. Baka pondo pa nga ng bayan ang ginastos sa palabas na iyon na itinuturing na pang-aliwan ang katawan ng kababaihan. Sa isang five-star hotel pa ginanap,”aniya pa.
“All government agencies and officials must strictly adhere to the code of conduct and ethical standards, and should not in any way condone the explicit objectification of women, most especially during an official function. It is a shame if the NBI would find a way out of the mess by mere apology.”
Karagdagang Balita
DEDMA: WARRANT OF ARREST KASADO VS. 4 OVP OFFICIALS
PAHABOL SA NTF-ELCAC: P7.5M ALOKASYON KADA BARANGAY
PASTOR APOLLO QUIBOLOY, DINALA SA OSPITAL – PNP