KUNG pagbabatayan ang pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nananatili ang banta ng COVID-19 makaraang makapagtala ng 1,382 bagong kaso ng highly transmissible Omicron sub-variants.
Sa isinagawang COVID-19 biosurveillance ng DOH, 1,382 ang nagpositibo sa kabuuang 1,468 samples na sinuri ng Baguio General Hospital Medical Center at UP-Philippine Genome Center Main Visayas, at Mindanao mula Hunyo 26 hanggang 29.
Sa kabuuang mga sample na na-sequence, humigit-kumulang 1,251 o 85.22% ang na-classify bilang XBB; 46 BA.2.3.20; 35 BA.5; 6 XBC; 3 BA.2.75 (kabilang ang isang CH.1.1 case); at 1 BA.4; habang 40 ay iba pang sublineages ng Omicron.
Kabilang sa XBB cases ang 139 XBB.1.5; 217 XBB.1.16 ; 366 XBB.1.9.1; 60 XBB.1.9.2 ; 326 XBB.2.3.
Sa mga natukoy na kaso ng XBB, isa ang returning overseas Filipino habang ang iba ay mga lokal na kaso mula sa Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Davao Region, Soccsksargen, CAR, at NCR.
Ang tatlong kaso ng BA.2.75 ay mula sa Mimaropa, CAR, at NCR, at ang nag-iisang kaso ng BA.4 ay nakita rin sa Mimaropa.
Noong Mayo 17, nilagyan ng label ng World Health Organization (WHO) ang BA.2.75, BQ.1, XBB, CH.1.1, XBB.1.9.1, XBB.1.9.2 at XBB.2.3 bilang variants na sinusubaybayan.
Habang nilagyan ng label ng European Center for Disease Prevention and Control ang XBB.1.16, CH.1.1, XBB.1.9.1, XBB.1.9.2 at FE.1 bilang variants under monitoring.
Patuloy naman sinusubaybayan ang mga de-escalated variant na BA.4, BA.5, BA.2.3.20; at XBC sa para sa tracking purpose.