SA ikatlong pagkakataon, muling ‘binomba’ ng Chinese Coast Guard ang sasakyang-dagat ng bansa habang naglalayag sa West Philippine Sea para sa isang resupply mission patungo sa Ayungin Shoal na bahagi ng Kalayaan Group of Islands sa lalawigan ng Palawan.
Sa isang pahayag, kinondena rin ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ang anila’y paulit-ulit na pambabarako ng China sa karagatang pasok sa 200 nautical mile radius na Philippine Exclusive Economic Zone.
“PCG condemns the Chinese Coast Guard’s dangerous maneuvers and illegal use of water cannons against our vessels escorting the indigenous boats chartered by the Armed Forces of the Philippines to deliver food, water, fuel, and other supplies to military troops stationed on BRP Sierra Madre.”
“The PCG calls on the China Coast Guard to restrain its forces, respect the sovereign rights of the Philippines in its exclusive economic zone and continental shelf, refrain from hampering freedom of navigation, and take appropriate actions against the individuals involved in this unlawful incident,” ani Commodore Jay Tarriela na tumatayong tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa usaping may kinalaman sa West Philippine Sea.
Ayon sa PCG, isang malinaw na pagsasawalang-bahala sa kaligtasan ng mga taong lulan ng mga sasakyang-dagat na ang tanging hangad ay maghatid ng pagkain at gamot sa mga sundalong nakahimpil sa BRP Sierra Madre.
Bukod sa paglalagay sa peligro ng mga sakay ng ‘binombang’ barko, nilabag din umano ng Chinese Coast Guard ang mga pandaigdigang batas (international law) – kabilang ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), at ang 2016 Arbitral Award.
“We ask that China Coast Guard, as an organization with a responsibility to observe state obligations under UNCLOS, COLREGs, and other relevant instruments of international maritime safety and security, to cease all illegal activities within the maritime zones of the Philippines,” ani Tarriela.
Paglalarawan naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), “sobra-sobra at mapanuwag” ang anila’y asal ng mga Tsino sa mga Pilipinong nasa loob ng sariling teritoryo.
Upang maiwasan ang nagbabadyang komprontasyon sa pagitan ng mga bantay dagat ng Pilipinas at mga Tsinong sundalo, hindi na itinuloy ang resupply mission na maghahatid sana ng pagkain at gamot sa mga nakahimpil sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Bunsod ng insidente, hindi na It said the second supply boat en route to Ayungin Shoal was not able to unload the supplies and could not complete the resupply mission due to the CCG’s “dangerous maneuvers.”
“We call on the China Coast Guard and the Central Military Commission to act with prudence and be responsible in their actions to prevent miscalculations and accidents that will endanger peoples’ lives,” pahayag ng AFP.
Wala pang pahayag ang Palasyo hinggil sa insidete.
Sa Senado, kinastigo rin ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang panibagong insidente ng pambubully ng China sa West Philippine Sea na lubhang taliwas na ipinopostura ng Beijing sa pakikipagkaibigan.
Sa isang pahayag na inilabas ng kanyang tanggapan, pinatunayan lamang aniya ng China ang alegasyon ng Estados Unidos sa paggamit ng pwersa laban sa maliliit na bansa – kabilang ang Pilipinas.
“This is yet again a manifestation of its might vs. right treatment of its peaceful neighbors. By its actions, it shows diplomatic duplicity, of preaching about amity, but practicing hostile behavior,” aniya.
Hindi rin aniya pagpapamalas ng pakikipagkaibigan ang paulit-ulit na pambabarako ng China sa mga Pilipino.
“Gusto naming makipagkaibigan, pero bakit China ang hirap mong mahalin? Because China contemptuously ignores protests, all the more that we have to rally the world to condemn acts which have no place in a civilized order,” ayon sa lider ng Senado.
