SA gitna ng paghihirap ng sambayanan, hindi angkop ang malaking gastos para sa magarang tanggapan ng mga mambabatas sa mataas na kapulungan, ayon kay Senate President Panfilo Lacson.
Partikular na tinukoy ni Lacson na tumatayong chairman ng Senate Committee on Accounts, ang mahigit P30 bilyon na inilaan para matapos ang Senate building sa Bonifacio Global City sa lungsod ng Taguig.
Mula aniya sa P30 bilyon, nilimitahan ng senado sa P20 bilyon na lang ang gagastusin sa ipinapatayong bagong Senate building.
Pag-amin ng senador, lubha nilang ikinagulat ni Senate President Vicente Sotto ang cost estimate para matapos ang bagong gusali.
“Pag-upo ni Senate President Sotto napag-alaman ko na umabot na siya ng P30 (billion) plus. Sabi ko yan naman ang hindi na pupwede, talagang sobra na,’” paglalahad ni Lacson sa isang panayam sa radyo.
“So ngayon, ibinaba namin uli sa presyo na nasa P20 (billion) plus,” anang mambabatas, kasabay ng giit na posible pang mabawasan kung gagawing “bare” lang ang disenyo sa bawat tanggapan ng mga senador.
Sakaling magka ganun, bahala na ang mga senador magpagawa gamit ang kanya-kanyang budget.
Inaasahan naman umano ang paglipat ng senado sa bagong gusali pagsapit ng taong 2027. (ESTONG REYES)
