PARA sa lupon ng tagausig, higit na matimbang ang mga dokumento kumpara sa kwento.

“We’d rather believe the official records of our own government and their own banking institutions versus the claims of the Chinese government,” wika ni Private Prosecutor Atty. Jay Tolosa Jr.

Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ni Tolosa ang pagtanggi ng Chinese Embassy hinggil sa P319.33 milyong pumasok sa Cale88 Foods Corp. mula sa mainland China. Ang Cale88 ay isang pribadong korporasyon na umano’y pagmamay-ari ni Atty. Mans Carpio, ang kabiyak ni Vice President Sara Duterte.

Para naman kay House prosecution spokesperson Ace Barbers, napatunayan ng datos mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pagpasok ng pondo sa isang Philippine corporation at maging sa isang foundation.

“Hindi nagsisinungaling ang datos. ‘Yung datos ang nagpapatunay na meron talagang pera na pumasok mula China papunta sa isang kumpanyang rehistrado dito sa atin. Ito ang Cale88,” pagbibigay-diin ni Barbers.

“The records will speak for itself. Bakit nagpapadala ng pera ang China dito sa kumpanyang ito? Kanino ang direct beneficiary nito? Gaano kadalas? Anong total amount?” 

Giit ni Barbers, walang timbang ang naging pahayag ng Chinese embassy dahil hindi naman nito mabubura ang AMLC records.

“That will not erase the fact na may perang pinadala mula China papunta dito sa kumpanyang ito. At iyan ay malaking question mark,” sabi pa niya. 

Samantala, umaasa naman si Deputy Speaker Janette Garin na ang pagbusisi sa foreign remittances ay hindi makakasira sa diplomatic and trade relations sa bansang China.

“Sang-ayon ako personally na dapat huwag masira ang diplomatic relations ng Pilipinas at ng China. Our trade relationship with China will have to be maintained,” ani Garin.

Subalit naniniwala si Garin na dapat pa ring mabigyan ng linaw ang pagpapadala ng pera partikular sa tanong kung saan ito galing, legal ba ito at kung lehitimo ang operasyon ng Cale88.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *