SA pagbabalik sesyon ng Senado, target ng mga mambabatas mula sa mababang kapulungan unahin ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) na nakatakda pagsapit ng Disyembre ngayong taon.
Sa ilalim ng Senate Bill 2816, target ng panukala palawigin sa apat na taon ang termino ng mga opisyales ng barangay para sa karagdagang dalawang taon sa pwesto.
Bahagi rin ng SB 2816 ang probisyon kung saan pinahihintulutan ang mga barangay officials ng manungkulan ng tatlong magkakasunod na termino tulad ng mga gobernador at alkalde.
Sakaling pagtibayin at lagdaan ng Pangulo ang panukala, idaraos ang susunod na BSK election sa Oktubre 2027 sa halip na Disyembre 2025.
Sa isang panayam sa radyo, sinuportahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang panukalang ipako sa apat na taon ang termino ng mga barangay chairman at mga kagawad na naluklok sa pwesto noong huling bahagi ng 2023. (Estong Reyes)
