Ni ESTONG REYES
TALIWAS sa posisyon ng Palasyo, nanindigan si Senador Robin Padilla na napapanahon ipasok sa adyenda ng Charter Change (ChaCha) ang term extension ng mga elective officials para tugunan ang gutom at iba pang suliranin ng bansa.
Kumbinsido rin si Padilla na term extension – sa bisa ng ChaCha, ang solusyon sa balakid sa paghahatid ng matinong serbisyo, kabilang ang pagkain, kuryente at tubig.
“Malaking bagay. Ang lahat ng root ng kahirapan natin ay yung ang perang dapat nakalaan sa ating bansa at taumbayan, masigurado nating lumanding sa taumbayan at Inang Bayang Pilipinas. Napakalaking bagay para umahon sa kahirapan,”” wika ng senador na tumayatong chairman ng Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.
Napakalaki ng budget ng ating gobyerno para sa inyo at sa bayan,” ayon kay Padilla, chair ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.
“Pag nagkaroon ng matitinong opisyal lalo sa local government, mararamdaman ninyo ang gobyerno kahit sa malayong lugar. Yan ang ating minimithi, ang trabaho ng gobyerno siguraduhin ang basic needs maibigay,” pagtatapos ng dating artista.
Una nang tiniyak ng administrasyon na tanging restrictive economic provisions lang ang target baguhin sa 1987 Constitution sa ilalim ng isinusulong na ChaCha.
