PARA sa mayorya ng mga Pinoy, mas matimbang ang permanenteng trabaho kesa panandaliang ayuda ng mga politiko .
Batay sa pinakahuling survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS), trabaho ang prayoridad ng siyam sa bawat 10 Pilipino. Sa datos ng SWS, 94 percent ng mga respondents ang desidido iluklok sa pwesto ang mga kandidatong may malinaw na plataporma sa hanapbuhay.
Nasa ikalawang pwesto naman sa talaan ng mga prayoridad ng mga respondents na lumahok sa SWS survey ang mga aspiranteng nagsusulong ng seguridad sa pagkain, habang pumangatlo naman ang yaong mga nagpapakilalang health advocates.
Pasok din sa talaan ang mga nagsusulong ng libre pero dekalidad na edukasyon at karapatan ng mga manggagawang Pilipino.
