TATLONG linggo mula nang ipatupad ang gun ban na kalakip ng halalan, pumalo na sa 594 katao ang inaresto bunsod ng paglabag sa umiiral na gun ban.
Sa datos ng National Election Monitoring Action Center mula Enero 12 hanggang Pebrero 2, lumalabas na nasa 30 indibidwal ang nasasakote kada araw sa nagkalat na checkpoint ng pulisya sa iba’t ibang panig ng bansa.
Pinakamarami ang nakalaboso mula sa Metro Manila kung saan nakapagtala ng 171 kaso, 112 sa Central Luzon, 74 sa Central Visayas, at 47 sa Calabarzon.
Babala ng Commission on Elections (Comelec), mahigpit na ipinagbabawal ang pag bibitbit ng baril sa pagsisimula ng election period para sa 2025 midterm election na gaganapin sa Mayo 12 ng kasalukuyang taon.
